fbpx
Bikes > First to Arrive

Inside the mind of a ‘kamote’ rider

Ano nga ba ang tumatakbo sa utak nila?

A regular sighting on our roads. PHOTO BY MAKI AGANON

Minsan ba naitanong mo na sa sarili mo: “Bakit ba may mga kamote rider?”

Araw-araw natin silang nakakasalamuha sa public roads—naka-motor, minsan naka-tsinelas, minsan walang helmet, minsan parang walang pakialam sa buhay (nila o ng iba). Kaya naisip ko: Ano nga ba ang tumatakbo sa utak ng isang kamote rider? Yun eh kung meron man sila non.

Minsan talaga, ikaw yung kakabahan para sa kanila. PHOTO BY MAKI AGANON

Bago ang lahat, i-classify muna natin ang pangunahing gamit ng pagmo-motor. Apat ‘yan:

  1. Pangserbisyo (personal commuter)

  2. Panghanapbuhay (MC taxis, delivery, ride-hailing)

  3. Pang-leisure (aka KamoteGP)

  4. Pang-diyan lang (pamalengke, pambili ng toyo)

At lahat ng ‘yan, nag-uugat lang naman sa iisang malaking problema: ang sistema ng pagkuha ng lisensya.

Sa Pilipinas, parang raffle ang lisensya. Kung marunong ka, congrats. Kung hindi ka marunong pero may pera at kakilala, e di wow, congrats pa rin.

Kaya may mga lisensyadong rider na hindi marunong magbasa ng road signs, walang idea sa right of way, at allergic sa signal light. Tandaan natin: Ang pagmamaneho ay privilege, hindi karapatan. Hindi ito free trial ng buhay.

Karamihan sa atin ay natuto lang kay kuya, tito, papa, o tropang mas kamote pa sa atin. Basta marunong mag-balanse, pwede na. Aguy. Doon nagsisimula ang problemadahil ang pagmo-motor ay hindi lang andar/balanse/preno, kundi isang malaking responsibilidad. Dahil lalabas ka sa kalye ng kamunduhan, para tayong nakikipag-sapalaran araw-araw.

So, balik tayo sa tanong: Ano nga ba ang nasa utak ng isang kamote rider? Isa-isahin natin ang bawat uri.

Para saan ang batas kung hindi rin naman pala natin susundin? PHOTO BY MAKI AGANON

1. Pangserbisyo. Ito ang pinakamarami. Dahil sa nakakarimarim na public transport system natin, napipilitan ang marami na mag-motor papasok ng trabaho.

Ang laman ng utak nila? “Male-late ako.” Para bang ingrained na sa culture natin angFilipino Time.” Kaya sisingit. Kaya mangka-cut. Kaya magiging aggressive. Kaya mawawala ang road courtesy. Diskarteng malupit.

Hindi dahil gusto nilang maging masamakundi dahil nagmamadali sila atnaghahanapbuhay lang naman.” Ang problema, damay-damay na. Hindi naman siguro nila ginugusto pero parang wala naman silang choice kundi maging competitive sa lansangan para maka-una. May tamang paraan naman sa pag-lane-filter, pero once na kailangan magmadali, dyan tayo nagkaka-problema.

Mas delikado pag may hinahabol. PHOTO BY MAKI AGANON

2. Panghanapbuhay. Ito ang mga rider na halos sa kalsada na nakatira. Habal-habal at delivery—sila ang backbone ng modernong commute. Saludo tayo diyan.

Pero aminin natin: Sila rin ang isa sa pinaka-prone maging kamote.

Bakit? Incentives. Quota. Oras. Init. Pagod. Gutom. Lahat yan sabay-sabay. Kaya mas aggressive, mas maiksi ang pasensya, mas risky ang galaw. Kahit may training, kapag kumakalam ang sikmura at uminit ang ulo, bale-wala ang mga training sessions. Diskarte ang labanan.

Yung iba, talagang didiskarte nang alanganin dahil minsan, malayo ang U-turn slot. Titira ng beating-the-red-light. Dahilan? May hinahabol. Ganun din.

Bonus level pa kung malas ka at manyakis o bayolenteng rider ang na-book mo. Eyyy…ibang usapan pa ’yan (perhaps for another article).

Sa racetrack ang tunay na sukatan ng galing. PHOTO BY MAKI AGANON

3. Pang-leisure. Ah, yes. Ang mga hari ng Marilaque. Bengking now, GCash later. Wala silang pakialam sa inyo dahil nage-enjoy lang naman sila.

Ito ang mga rider na feeling nila ay may contract sila sa MotoGP. Ang goal: pasayad ng tuhod, ipakita sa social media, magpapansin. Tinagos daw nila yung big bike. E di, wow.

O-overtake nang alanganin. Walang pakialam sa ibang umaakyat ng bundok para mag-chill. Walang pakialam sa mga lokal. Para sa kanila, susubukan ang “racing concept” sa kalsada. Mas marami, mas diabolic. May pangbili ng pang-gilid pero walang pang-track day. Kawawa naman. Selfish ang trip, full send ang ego. I-respeto daw ang passion? Ng alin? Pagiging reckless?

May skills? Oo, meron.

Nasa tamang venue? Hindi.

Net worth? Wanpipti.

Ma, anong ulam?

Kaya ang resulta: panganib sa sarili, sa iba, at sa nakakarami. May tamang lugar para sa mga ganyan.

Ang aksidente ay hindi-inaasahang pangyayari. PHOTO BY MAKI AGANON

4. Pang-diyan lang. Ito ang pinaka-underrated na kamote. Marami yan sila sa rural areas.

Diyan lang naman.”

Malapit lang naman.”

Sandali lang naman.”

Kaya walang helmet. Kaya naka-tsinelas. Kaya may kargang bata. One hand sa manibela, one hand sa supot ng toyo. Gets natin yan. Hindi lahat afford bumili ng sasakyan. Ang iba sa atin ay wala talagang choice. Kaya lang, shortcut ang ganitong gawain. Di baleng prone to accident, basta ito yung fastest way sa sari-sari store.

Ang logic: Hindi ako maaaksidente dahil malapit lang. Parang may proximity-based safety pala. Patay tayo dyanSana isipin natin na kaya tayo naghe-helmet parati ay para proteksyunan ang ating ulo at nagsa-sapatos para sa mga daliri sa paa. Hindi naman siya ganoon kahirap gawin.

Complacent sila, kaya delikado. Hindi nila alam na karamihan ng aksidente ay nangyayari malapit sa bahay.

Sila pa minsan ang galit pag iyong sinaway. PHOTO BY MAKI AGANON

Sa huli: Disiplina sa sarili ang dapat tandaan. Ito yung pinakamahirap gawin. Lalo na pag walang nakatingin.

Lahat ng ito ay bumabalik sa sistema:

  • Madaling pagkuha ng lisensya
  • Weak law enforcement
  • Poor public transportation
  • Sidewalks na parang obstacle courses

Hangga’t hindi inaayos ang mga ’yan, maraming mapipilitang mag-motor para lang makagalaw. Pero ang pagbabago, sa sarili dapat magsimula. Mahirap lumaro nang patas, pero hangga’t kaya, sana pilitin natin kahit minsan na iwasang gumawa ng mali. Ang sagot ay nasa iyo, kaibigan.

Hindi pa rin naman huli ang lahat para matutong mag-motor. Marami pa rin tayong benefits na makukuha ditoyun ay kung gagawin natin ito nang tama. Maraming riding schools na pwede nating puntahan para matuto nang wastong pagmo-motor.

Hindi lahat ng naka-motor ay kamote. Ang pagiging kamote is a choice, not a coincidence.



Maki Aganon

Maki is completely obsessed with motorcycles. If he’s not out there riding all over the Philippines, he’s just probably at home composing another rant, or simply looking at new bikes on the Internet. He writes the ‘First to Arrive’ column.



Comments