fbpx
Viral > Humor

Apparently, the types of UV Express passengers

If you commute via the ubiquitous vehicle, you can relate

Do you see yourself in any of these UV Express personalities? ILLUSTRATION BY KARL ALYSSA MARIE REYES

Raise your hand if you ride the so-called UV Express van on a regular basis. If you do, you can surely relate to this Facebook post, shared by Karl Alyssa Marie Reyes on her wall. The illustration is titled “The Types of UV Express Personalities.” This is actually the second one. The first one is the truly viral post, but Aly doesn’t have a digital file of that.

“I got the idea while I was inside the UV Express, waiting for passengers to fill the van,” Aly told VISOR. “I sketched it when I got home. I’m a commuter. I ride the van more or less three times a week. Every time I’m in one, I encounter at least five of these people, and 90% of the time, I’m one of them.”

Here’s the funny text that accompanies the above illustration:

Kyah v2.0 (aka Roger the Driver): Laging alerto sa radyo n’ya kung nas’an ang mga “Double Mike, Bwaya at Tatlong Letra.” Kabisado ang mga “back door.” Syempre may code name (at minsan colorum *ehem*). “Roger…kilo na yang tango sa may samurai…8-7…1-4-3 Papa P.”

Asawa ni Kyah (Eagle Eyes): Kilala sinu-sino pa ang hindi nagbabayad. ‘Di mo s’ya mauutakan at hindi ka n’ya tatantanan. Sa terminal pa lang, nabilang na n’ya kung magkano dapat ang total na pang-boundary nila for the day. “Yung mga ‘di pa nagbabayad dyan. Konting hiya, aba!”

The Lost Girl (kamag-anak ni Dora the Explorer): Kaso ‘di n’ya alam kung pa’no talaga s’ya pupunta sa destinasyon n’ya. Umaasang alam nina Kyah ’yung bababaan n’ya. “Kyah, malapit na po ba ’yung Philcoa? Pababa po ako sa may Ministop.”

The Expert (si Ate Girl na dapat laging on fleek): Na-master na n’ya ang pag-apply ng BB cream at pagkikilay kahit gaano kaalog ang van. Laging #fresh at #wokeuplikethis at #nofilter.

Plus One (malamang galing Divi at nag-early Christmas shopping na): Ayaw masikipan kaya bayad na s’ya for 2 para sa kanya at sa mga bitbit n’yang sandamakmak na karton, supot at eco bags. Si titang di masyadong techy kaya hindi na lang nag-Grab/Uber.

Side Sweeper (si Ateng medyo walang pakisama): Imbis na bumaba para mag-give way sa ibang pasaherong bababa, tatagilid lang nang slight. Bahala ka nang dumiskarte kung paano ka lalabas kahit gaano pa kabigat o kalaki ang mga bitbit mo.

Chika Minute (yung BFFs na akala mo 5 years na hindi nagkita): Di nauubusan ng kwento. Wagas magtawanan pero madalas medyo madrama ang buhay. “Sabay sabing ‘I love you as a friend’. Pucha, bes. Sinampal ko ng pizza!” “OMG, beshie!”

Live Tweet (s’ya ’yung magaling kumabisado ng mga monologue nung high school): Evolution ni Usi. Nakaabang sa mga quotable quotes ng mga katabing chumi-chika-minute at diretso update ng status sa Twitter at FB. #narinigkolangsaUV #ultimateeavesdropper #millennialchismosa

Captain Hook (kalahating pwet na lang ang naka-hook sa upuan): ’Yung kalahati nakapatong sa hangin. S’ya ’yung dasal nang dasal na may bumaba na kahit sino sa mga katabi n’ya, pero lahat pala sila sabay-sabay bababa. Sad.

Sleeping Beauty (kakambal ni Snorlax): Parang ininjectionan ng tranquilizer. Lagpas na sa bababaan kaya malamang sa last stop o sa garahe na gigisingin ni Kyah.

Demogordon (laging TRIGGRD): Para kang lalamunin nang buhay ’pag nasandalan o nasagi mo. Maraming reklamo sa buhay. Lahat napupuna. “Brad, wala na bang ilalakas ’yung erkon?! UV bulok!”

Hokage (si Kuyang strategic sa paghanap ng upuan): Dapat may katabing chicks lagi. Umoover-extend ang siko at kung saan-saan lumalanding ang kamay. Minsang magkukunwaring tulog pa para makadantay.

Call Central (si Ateng naka-unli): Every 5 minutes nagri-ring ang phone. Maaaring pagmulan ng sunog ’yung umuusok n’yang tenga. “Hay nako, beh. The struggle is real!”

Honeymooners (pa-tweetums na nag-P-PDA): Sa likod pumupwesto para ’di masyadong agaw-atensyon. Suki ng madilim na sulok ng sinehan. Malamang may ginagawang milagro. In need of Canesten cream kasi baka meron nang fungi sa pundya.

Buzzer-Beater (’yung last minute): ’Pag malapit na bumaba tsaka mag-aabot ng bayad. Madalas P500 or P1,000 pa ’yung pera. Kaaway ng driver.

Magic Sing (nakalimutang naka-headset s’ya): Una, magha-hum. Unti-unting susundan ng putol-putol na lyrics. Hanggang maging total performer na pagdating ng chorus. “Mmmmn…I got new rules…I count ’em…1, 2, 3, 4…”

Did you recognize yourself or anyone you know in any of these UV Express personalities? Who else thinks the witty illustrator deserves some space in a newspaper’s comic strip section?



Comments